Monday, July 19, 2010

MY MOMENTS OF TRUTH (IN THE PAST 24 HOURS)

Moment of Truth #1: Kahapon, Linggo, sabi ko sa sarili ko luluwas na ako dahil may client presentaion ako nang 9am. So dapat nasa Manila na ako kahapon pa lang para makarating ako nang maaga sa office, kundi, sigurandong maiipit ako sa trapik ng Lunes.

Moment of Truth #2: 7PM na kagabi di pa ko nakakaligo kasi walang tubig sa Cavite. Ilang araw na sira ang pipeline gawa ni Basyang. 1 hour lang magka-tubig, madaling araw pa. So nag-decide ako na madaling araw na lumuwas.

Moment of Truth #3: Nagising ako ng 4AM, naligo ng 5AM (sa wakas!), nakaalis ng before 6 with high hopes na darating ako sa office nang 8AM.

Moment of Truth #4: Mali ako. Punyetang trapik sa Cavite! SUUUUPPPPPPEEEERRRR! In short, late ako. 8:45 ako dumating sa office. Take note: 9AM ang presentation ko. At take note: before 6 ako umalis! ito na ang pinaka-mahabang 3-hour ride ko!

Moment of Truth #5: Wala kaming nagamit na service! Coding! yung isang service, gamit ng boss ko. Nakalimutan daw nya na may lakad kami kanina. SHET, di ba? So, taxi kami ng partner ko.

Moment of Truth #6: 9:20 AM nasa pier na kami (dun kasi office ng client). Late pa rin. Pero may mas late pa sa amin na ahensya! haha!

Moment of Truth #7: At dahil late kami, syempre huli din kami sa pila ng presentation. At least, 2nd to the last.

Moment of Truth #8: Turn na namin. Sabi ng guard, boardroom daw. Pagpasok, derecho, dulo kaliwa. Nasa dulo na kami, di pa namin nakikita ang boardroom. Sa bandang kaliwa, may binuksan kaming pinto. Isang long table ng board room at puno ng tao! Sabi ko sa partner ko, shet, di naman siguro ito yun. Sabay urong at tanong sa isang taga-ron "San po yung boardroom?"

Moment of Truth #9: Ayan, sa kaliwa, dulo. Sabi ko, SHET, yun nga! nanginig ang panga ko! Pagbalik namin, andun na yung client ko sa may pinto at nagpakilala.

Moment of Truth #10: Lowbatt ang notebook ko.

Moment of Truth #11: Putang-ina, ang bagal pa mag-upload ng apps ko. LECHE! tunaw na ko sa katitingin ng panel! So, chinika ko na lang! kahit nanginginig ang panga ko.

Moment of Truth #12: Nagbabakelya ako sa sobrang nerbyos! NEVER HAD THIS MUCH AUDIENCE ON A PRESENTATION BEFORE! Did I mention, puno ang board room??? Pati ata presidente ng kumpanya, nandun

Moment of Truth #13: Buti na lang, nakuha ko pang magka-humor. Not to mention, ang AVP ko, may humor din. Ikaw ba naman maging ahensya ng Kama Sutra condoms at breast augmentation clinic. :)))

Moment of Truth #14: At the end of the presentation sabi ng client: "So, you're the ants." Sabi ko naman, "yes, we are the ants." With all smiles. At least, natandaan nila kami. :)) (Sana, makasama kami sa pitching. Keeping my fingers crossed).

Moment of Truth #15: Hay naku, yun nag pinaka-masakit sa bulsa! Good luck na lang bukas! Di ko puedeng sabihin dito :P

No comments:

Post a Comment